Anong Tags ba ang magandang gamitin sa Hive Blog?
Madami sa atin na kung anu ano na lang tags ang nilalagay sa post natin. Tama naman na kung ano ang nag dedescribe sa post mo ay iyon ang gamitin mo. Yung iba naman nag lalagay lang ng kung anu anong token na maiisip nila at alam nila like POB, VYB, NEOXIAN etc.
Pero ano nga bang tags ang magandang gamitin? Madalas ang una kong tag na ginagamit ay yung related sa post ko, kung Splinterlands ang post ko, Splinterlands ang unang tag ko.
Ngayon kung Contest naman ng community yan, Read mo muna ang guidelines nila dahil madalas nag rerequire sila na gumamit ka ng specific na tag tulad ng sa Lifescape Tribe Challenge na ni rerequire ka nila na gamitin ang #lifecolors. Kailangan mong gawin ito dahil kung hindi ay baka hindi ka maging eligible sa pag sali sa contest.
Kung yung community naman na pinag susulatan mo ay may token, mainam na ang una mong gamitin syempre na tag ay yung token nila. Kung nag susulat ka sa Neoxian Community, siguro tama lang na ang una mong tag ay yung tag na Neoxian.
May mga nag sasabi na importante ang first five tags pero diko pinapansin yun. Ang news feed naman kasi ng Hive ay depende sa kung sino ang fino folow mo at sa community na kinabibilangan mo kaya kahit ano pa ang tag mo, hindi din lilitaw yan sa iba, kung hindi sa mga user lang nag mo monitor ng ganyang tags.
Ano pa ang ibang tags na ginagamit ko eh 10 ang pwedeng gamitin. Ang next kong Tag na ginagamit ay LOLZ, bakit? kasi kapag nakaipon ka nito ay maari mo itong gamitin as Tipping Token, pwede mo i call ang bot ng LOLZ para mag tip sa ibang user ng hindi mababawasan ang dami ng LOLZ token mo. at the same time, kumikita din ito ng curation rewards kapag nag u upvote ka ng mga post na gumamit ng LOLZ na tag.
Para sa mga natitirang tags ay naghanap pa ako ng ibang tokens na may pakinabang at nakita ko na ang mga ito pala ay pwedeng idelegate sa LOLZ bot para kumita ka ng LOLZ.
Hindi ako nag tyatyagang mag ipon ng mga tokens na wala namang gamit dahil sayang lang, sa liit pa ng value, bago man lang maging piso ay baka libong tokens ang kailangan mo.
Sa susunod na post ko ay i shashare ko naman ang mga tokens na pwede nyong i delegate sa LOLZ bot para naman hindi nyo pinag tyatyagaan i cash out yung mga barya baryang 2nd layer token na nakukuha nyo at magawa nyo pa itong passive.
Kayo? anong tags ang gamit nyo?
Comments
Post a Comment